Tuesday, November 6, 2018
Gusto mo na mag simula sa Stock Market?
Sunday, November 4, 2018
Philippine Stock Market- Ano ito?
Isinulat ko ito hindi upang mag magaling o magyabang na marami akong alam kundi upang magbigay lang ng ilang impormasyon ukol dito at ito ay base lamang sa aking mga natutunan sa aking pag aaral. At patuloy pa rin akong nag aaral nito. syempre credit sa mga mentors/guru na sinubaybayan ko sa youtube at sa mga sites na pinupuntahan ko na walang sawa sa pagsusulat at paggawa ng vlog/webinar para magpakalat ng kaalaman tungkol dito.
Ano nga ba ang stock market?
Pang mayaman lang yan! iyan din nasa isip ko noon sa tuwing naririnig ko ito. pero nabago ang lahat simula nang magsaliksik ako tungkol dito. napag-alaman ko na kahit sino pwedeng pumasok dito mahirap, mayaman, estudyante, janitor, teachers, abogado, matanda o bata may ngipin o wala pwede dito.
Philippine stock exchange o Philippine stock market- mahigit 300 kumpanya ang nakapaloob dito tulad ng jollibee, ayala corp., san miguel, globe, bdo at marami pang iba na kung saan dito ka maaring bumili ng shares ng kumpanya kung saan gusto mong mag invest at yung perang ininvest mo sa kanila ay gagamitin nila bilang kapital upang magpalaki, magpalago o mag expand pa. at kapag ginawa mo yan isa ka na sa mga tinatawag na shareholders ng kumpanyang napili mo. oh db sarap pakinggan? shareholder ka na ni jollibee, ni ayala o ni san miguel!
gagawin nating simple ang pagpapaliwanag para mas madaling nating maintindihan mga bro/sis. hindi na natin kailangan pang gumamit ng dictionary o magpakadalubhasa sa English para dito.
so, ituloy na natin...
Paano ka kikita sa stock market?
Normal na tanong iyan. ang masasabi ko lng may malaking potensyal na paglago ng pera dito. papaano? simple lang naman buy and sell lang ang labanan dito. bibili ka ng shares sa isang kumpanya sa mababang halaga at ibebenta mo ito sa mas mataas na halaga. magulo pa rin? ok lang normal yan. mahabang usapin talaga ang stock market una mo dapat baon bago ka pumasok dito ay sipag sa pag aaral. kung wala ka nito itigil mo na pag babasa kasi hindi para sayo ito at mauubos lang ang pera mo dito.
para mas maliwanag halimbawa may pera kang 20,000 at bumili ka kahapon ng shares ni jollibee sa halagang 240 per share so meron kang 83shares. at ngaung araw ay tumaas sya sa halagang 260 per share at ibenenta mo yung 83shares mo ibig sabihin kumita yung pera mo ng 1,580pesos dahil naging 21,580 yung 20,000 mo.
*buy*
20,000 capital divided by 240per share (yesterday) =83shares.
*sell*
83shares x 260per share (current price) =21,580pesos
gain=1,580
pero huwag masyadong maexcite kasi hindi laging ganito ang takbo ng stock market. laging tatandaan na hindi easy money dito. at marami nang natalo dito o nawala iyong perang pinaghirapan nila. parang negosyo lang na maari kang matalo at maari ka ring manalo. pero kung may sapat kang kaalaman sa negosyong pinasok mo malaki potensyal na manalo ka o kumita iyong pera mo. tama?
Kung mapapansin mo sa chart ng jollibee sa itaas tumataas at bumababa ang price per share nito. (pula iyong pagbaba at green iyong pagtaas) na ang ibig sabihin lang hindi sigurado ang paglaki ng pera mo dito automatically. pero gaya ng nabanggit ko kanina lang. malaki ang potensyal o atleast may potensyal ang paglago ng pera mo dito kung mag aaral ka tungkol dito. at kung alam mo pinasok mo.
Ngayon pansinin mo nman iyong kabuohan ng chart ni jollibee kung mapapansin mo from 2008 na ang price per share nya ay 50pesos at umakyat ng 260-280pesos per share ngaung 2018. may potensyal ba o wala?
imagine kung long term investor ka. at nag invest ka kay jollibee nung 2008 at naisipan mong ibenta ngayong 2018 magkano inabot ng pera mo? ikaw na bahala mag compute gayahin mo nlang computation sa itaas gamit ang buy and sell formula. basic math lang naman yan. yakang yaka mo na yan!
Dalawang paraan ng pag iinvest sa stock market.
1. Direct investing- eto yung pinag uusapan natin sa itaas kanina lang. dito ikaw mismo ang pumipili ng kumpanyang gusto mo, ikaw ang bumibili at nagbebenta ng share ng stocks kung kelan mo gusto. ibig sabihin ikaw ang may kontrol sa sarili mong account. high risk ito pero high reward.
-sa Direct Investing pwede kang maging TRADER o short term investor iyong bibili ka ng stocks na gusto mo at ibebenta mo ito pag taas ng presyo agad agad. umaabot lang ito ng buwan, linggo, araw, oras o kahit minuto benta na. pero d aabot ng taon. matinding pag aaral bago mo dapat pasukin ito. dahil dito maraming natatalo at nag quit sa stock market. pero may mga traders din malalakas kumita dito iyong iba nga milyonaryo na daw. sila yung wala na ginawa kundi magbasa ng charts, mag aral ng technical analysis at fundamental analysis. (ipaliwanag ko yan sa mga susunod.) hehe!
- pwede ka rin dito maging INVESTOR o long term investor. ito yung bibili ka ng stocks na gusto mo at ibebenta mo lang makalipas ang 5yrs, 10yrs o 20yrs. at yun nga imagine kung nag invest ka kay jollibee 10yrs o 20yrs ago? ang yaman sana natin ngayon boss! pero hindi pa huli ang lahat. umpisahan na natin ngayon na!
2. Indirect investing- may ibat ibang klase ng indirect investing example nito ay Mutual Fund. (meron ako nito.) dito hindi ka direktang bumibili ng stocks na gusto mo kundi may mga professional na fund manager na hahawak ng pera mo at sila ang bahalang mag invest sa stock market. medyo low risk ito dahil professionals nga ang nagpapatakbo ng pera mo. dito d mo kailangan na palaging nakatutok sa merkado o magreview ng stocks na dapat mo bilhin dahil sila na ang gagawa nito para sayo. ang gagawin mo lang ay mag pondo at sila nang bahala sa lahat. astig dba? long term investment dito. kaya ang advise ko ilagay mo lang yung perang hindi mo kailangan o hindi mo gagamitin sa loob ng maraming taon. gets?
Magkano?
5,000pesos yan ang minimum na halaga para makapag simula sa stock market pero bago yan ay kailangan mo munang mag open ng trading account sa tinatawag na Stockbroker. mag fifill up ka lang ng application nila for opening ng account at ipapasa o ipapadala mo lang sa kanila. downloadable nman sa mga website nila iyong mga form nila kaya d mo na kailangan pumunta pa sa opisina nila. mag iemail sila syo kapag approved na iyong application mo then iaadvise ka nila na pwede ka na maglagay ng fund (may instruction na rin kung pano ka maglalagay ng fund sa kanila). once mareceive nila yung fund mo ay ipapadala na rin nila sa email mo iyong account no. at password mo. para maopen mo account mo at makikita mo na rin iyong initial fund mo. after that pwede ka nang magsimula! kung anong atake gagawin mo sa stock market. usually 3 to 5 working days lang para sa approval ng applications.
Stockbroker- sila iyong mga lihitimong kumpanya o brokerage firm na direktang may kaugnayan o nakikipagtransaksyon sa Philippine Stock Exchange Inc. (PSE) para sa mga investors. sila ay tumatayong middlemen sa pagitan ng mga investors at PSE. sa kanila mo ilalagay iyong fund mo. Col financial ang broker ko. https://www.colfinancial.com pero marami pang broker ang pwede mong pagpilian. like First metro sec., 2trade asia, Bdo nomura at marami pang iba. search mo nalang sila. Oopps! Wala po akong kumisyon kay col financial sharing lang po ginagawa ko at wala akong kahit anong makukuha dito.
Ito ang chart ng PSEI o Philippine stock exchange index- kung mapapansin mo uptrend talaga ang stock market. bumabagsak pero bumabawi nman at pataas pa ng pataas. dito nakapaloob yung tinatawag na mga blue chips o mga top performer na companies like jollibee, sm, ayala, bdo, at marami pang iba. nasa 30 stocks ang tinatawag na mga blue chips. sila yung nagbibigay buhay sa mundo ng stock market. karamihan ng mga investors especially mga beginners sa mga blue chips nag iinvest dahil sa patuloy na pag taas ng halaga ng bawat shares nito. at kahit mga fund managers sa mutual fund malaking porsyento sa mga funds na hawak nila sa mga blue chips rin napupunta.
so, paano tara na! mas marami mas masaya mas buhay ang stock market! Invest na!
kung may mga katanungan ka comment lang sa baba sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.
enjoy trading and investing!!!
para sa future!!!
"Be humble, be teachable and always keep learning"
-LumangTao-
Saturday, September 29, 2018
IDEAL PARTNER BA HANAP MO?
Nakita mo na ba si mr. Right?
Eh iyong babaeng pinapangarap mo nakita mo na ba?
So naghahanap ka ng ideal partner mo?
Itigil mo na muna iyang paghahanap mo. Basahin mo muna ito.
Magkaibigan-madalas dyan naman nag uumpisa. ngunit nakakasiguro ka ba na makikilala mo na siya? Na siya na iyon? Unahan na kita. Hindi. dahil makikilala mo lng siya kung pano at ano siya bilang kaibigan. Kung magkasundo kayo? good! masaya iyan. Pero kung hindi mo gusto madali namang umiwas. Sa stage na to may mga tampuhan pero maliit na bagay iyan sa magkaibigan mamaya lang wala na yan.
Akalain mo natiis niyo ang isat isa? Eto ikakasal ka na, sigurado ka na ba?
Kilala mo na ba? Iyan na ba iyong hinihintay mo noon na ideal partner? Nakita mo na ba?
At matapos niyong sumagot ng makailang ulit na "opo father!" dto mag uumpisa na makikilala niyo ang isat isa. Dito maraming kasiyahan, lambingan, katuwaan mayroon ding awayan, iyakan, tampuhan, umbagan? (bad iyan). Ganyan ang buhay mag asawa. masaya? Sobra. Masalimuot? Hay sobra. Normal iyan. Pero ang maliwanag dito Hindi mo siya kasama dahil siya iyong ideal partner na pinangarap mo, at lalong hindi ito yung perfect relationship na inaasam asam mo na napapanood mo sa tv o pelikula. Maraming pagsubok at maraming malalaking desisyon ang haharapin niyo na magkasama. Hindi man siya yung ideal partner na pinangarap mo mahalin mo siya kung ano siya at kung sino siya.
Kaya si mr. Right at iyong babaeng pinapangarap mo? Guni guni mo lng yan. Walang ganun.
#SaluteToAllFaithfulWife
❤MNNSBT❤
Tuesday, September 18, 2018
Ang unang paglalakbay (ofw story)
Paglayo sa binuong pamilya. Eto na yata iyong pinakamasakit na sakripisyong gagawin mo para sa pangarap. Para kumita ng katiting para sa ikabubuti ng iniwang pamilya. Akala niyo masarap? Akala niyo masaya mangibang bansa? Akala nyo kpg abroad marami ka nang pera? Depende kung saan mapupunta iyong perang pinaghirapan mo.
Sige umpisahan na natin..
Ang simula ng paglalakbay..
Dumating ang araw ng pag alis. Akala mo excitement yung nararamdaman ko? Hindi! Isang malaking hindi! Umpisa na nang araw na hindi ko makakasama o makikita ang asawa at anak ko. pamilya ko, kaibigan, kamag anak at kahit iyong aso ng kapit bahay namin.
Sa loob ng taxi..
papuntang airport ibat-ibang pakiramdam, ibat-ibang emosyon nagrarambolan iyong nararamdaman ko. Iyong isip ko parang rine-rewind na time machine. para akong baguhan sa lugar na dinadaanan ko. Iyong kalsada, billboards, tulay ng guadalupe, buildings ng makati, nagtataasang skyway at iyong paborito kong sakyan na mrt. Palinga linga kong tinitingnan na tila bang sinusulit ko na pagmasdan ang maliit na parteng ito ng pilipinas kasi baka dalawang taon bago ko ulit makita o baka nga hindi ko na makita? Haha! Ano ba nman malay ko kung ano kahihinatnan ko sa bansang pupuntahan ko. Ang dami na ring kwento ng kabiguan na sinapit ng mga kababayan na nagtangka iahon ang pamilya. Pero nganga at Pwede kang umuwing bayani! (na nakakahon). Saklap db?
Sa airport..
Unti unti na nagbabago ang mundo ko. Inspection sa imigration para ka nang kriminal na hindi mapagkakatiwalaan. Check ng papeles kukunin yung finger prints sabay picture picture muna. Inspection ulit sa mga dala dalahan. Wala naman ako dalang paborito kong lutoing adobo kaya siguro pinatuloy na ko. Carpeted na iyong linalakaran ko last ako nkalakad sa ganito noong kasal ko pa. May pailan ilan na ibang lahi na rin ang nkakasabay ko. (nasa pinas pa ko pero mejo naaamoy ko na yung pupuntahan ko). Ibang iba to kumpara sa uuwi ka lng ng probinsya. triple yung laki ng eroplanong sasakyan ko o bka sobra pa. Parang ayoko pang humakbang papasok ng eroplano pero nandito na ko kaya sinamahan ko nalang ng dasal. Hindi para sa sarili ko kundi sa pamilyang iiwan ko. Okay lang ako. Gaya ng lagi ko sinasabi sa asawa ko..
Sa eroplano..
Dito na medyo bumibigat na yung paghinga ko. Para bang may gusto kang pakawalan na d mo mailabas. Eksakto sa pag i-emote ko iyong sa tabi ako ng bintana nakaupo. Iyong malayo ang tingin wala namang tinatanaw. (music video lang ang dating). Pero bago pa ko madala ng emosyon ko nakakita ako ng mapaglilibangan. May monitor sa harap ko. Nood muna movie kahit wala nman talaga ako maintindihan dahil wala nman sa movie iyong isip ko. Laro naman ng games kahit wala nman yung loob ko sa linalaro ko. Mayat maya ang hatid ng pagkain, kape, sandwhich at kung ano ano pa. Masarap pala bumiyahe sa malayong lugar. Mas masarap sana kung kasama ko sila pero wala eh. Ako lng to. D ko talaga ma-enjoy. After 9hrs sa himpapawid. Nkarating na rin ako ng ligtas.. from airport to airport palang iyan. At palala ng palala iyong pakiramdam ko para akong lalagnatin. Iyong tipong nasaan ako? Anong lugar ito? Nasa ibang dimension ba ako? O feeling ko nasa ibang planeta na ko.
Nang isilang akong muli..
Hindi na ako pamilyar sa paligid ko. Ibang lenguwahe, ibang kasuotan, ibang kapaligiran, at higit sa lahat hindi na amoy pinas ito. Bago lahat sa akin. Kailangan ko makibagay sa kung ano ang nasa kapaligiran ko ngayon. Kailangan ko sumunod sa kung anong batas meron sila dito ultimo pananamit hindi na katulad sa pinas na kahit anong gusto mo isuot o kahit walang suot okay lang. Dito hindi. At kailangan ko ulit mag aral magsalita. Oo magsalita katulad ng lenguwahe ng mga lokal dito. Kasi kung hindi mo aaralin mahihirapan ka makipag communicate sa mga tao dito. Ultimo pagtatanong lang ng lugar mahihirapan ka.
Ang laking adjustment ginawa ko...
Sa pagkain..
Madalas at masasanay ka nalang na kumain ng dalawang beses sa isang araw. well choice ko yun at karamihan iyon talaga ginagawa dahil iyong ibang natitirang oras itutulog mo nlang o itatawag para makausap ang pamilya sa pinas.
sa pagtulog..
Madalas at masasanay ka nalang din na matulog ng apat hanggang anim na oras at sapat na sakin iyon. Disiplinado ka na kpg magawa mo iyon. Congratulation kung naka 8 oras ka ngayong araw.
sa pag budget ng pera..
Simple lang nman kinukuha ko lang iyong budget na alam kong sasapat sa pagkain at magagamit ko sa loob ng isang buwan.(pero madalas kulang iyan) at iyong naiwan padala na sa naiwang pamilya sa pinas. Sa mga unang buwan medyo mahirap pa kasi kailangan kong gawin yan ang unahin obligasyon ko lalo na sa mga pinagkautangan ko para makaalis. (tapos na ko sa obligasyon kong yan yahoo!) pero d pa rin dapat i-celebrate iyan. Marami pa akong plano para sa perang kinikita ko dito. (anong gagawin sa perang pinaghirapan abroad? isusulat ko rin iyan sa mga susunod kapag sinipag ulit magsulat).
Sa pag budget ng oras..
Importante ito. Pero nahirapan ako dito. Pero sinusubukan kong i-manage ang oras ko para sa trabaho, pamilya, pagkain, pagtulog, pagsusulat at pag aaral (oo nag aaral ako! self study ng kung anong bagay na alam kong may kabuluhan para sa akin. ano ginagawa ni google at youtube). may mga pisikal activities pa like basketball at work-out kung minsan. Nadagdagan pa nga iyan dahil nahihilig na rin ako magbasa ng libro/e-book. ("Rich dad Poor dad by robert kiyosaki"- eto iyong unang librong natapos ko dito). Mahirap kapag masyadong malikot ang kokote mo sa pag explore sa maraming bagay. Kulang iyong 24hrs na ibinigay sa iyo para magawa lahat ng iyan.
Sa ngayon ay 7months na akong nandito sa malayong lugar. Malayo sa pamilya at umaasang magkakaroon ng magandang kahihinatnan ang ano mang pinaghihirapan.
-LumangTao-