Payapa, masaya at simpleng pamumuhay. Kahit walang
karangyaan iyan lang ang pangarap ko sa buhay. Marahil iba ang pangarap ko sa
pangarap ng iba. Marami ang gustong yumaman (sino nga bang hindi?). marami na
ring yumaman at natupad ang mga pangarap
pero kumpleto na nga ba sila? Masaya ba ang buhay nila? Masaya ba at buo
ang pamilya nila? Payapa ba ang kalooban at kaisipan nila?
Ang
maitaguyod sa pag aaral ang aking anak sa kabila ng simple at masayang pamumuhay ang pinapangarap ko. Sa ngayon ay
masasabi kong hindi ko pa nakakamit ang mga ito. Oo buo ang pamilya ko, may
trabaho, may bahay na inuuwian hindi man totoong amin ngunit pinaghirapan
naming mag asawa na mabuo. Ngunit ano pa nga ba ang kulang? Bakit may hinahanap
ako na hindi ko malaman kung ano. (Nung una..)
Ngunit
habang lumilipas ang panahon unti unti kong nakita kung ano ang kulang kung
bakit laging bitin ang saya ng pamilyang aking binuo.
KAPAYAPAAN
NG KAISIPAN AT KALOOBAN.
Iyan ang
kulang. yung dumadaan ang mga araw na tila ba may bigat sa dibdib. Tila ba
hirap sa paghinga. At wala kang magawa kundi bumuntong hininga at patuloy na
labanan ang bigat na nararamdaman.
Ngunit ang
lahat ay may hangganan. At kailangang gawin ang ano mang paraan bago pa mahuli
ang lahat.
Sayang ang
panahon hahayaan nalang ba natin na malugmok ang buhay sa isang sitwasyong
hindi ka masaya? Hindi ko sinasabing pagsisihan ang anumang nakaraan kahit na
pinakamasasakit na pangyayari sa nakalipas. Dahil bawat mapait na pangyayari ay
mayroon tayong natututunan at dapat iyong ipagpasalamat..
Marahil ito
na ang tamang panahon upang maiasakatuparan ko ang pangakong binitawan maraming taon na ang nakalipas. Kung ano ang
kahihinatnan hindi ko alam. At hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.
(hindi ko
alam kung may nagbabasa pa o bumabalik sa blog kong ito. pasensya sa makakabasa
nito dahil siguradong naguguluhan ka, matagal akong hindi nakapagsulat dito at dahil birthday ko ngaun sumulat ako. Maari
mo akong tanungin ngunit hindi ko maipapangakong ikaw ay sasagutin.)
Salamat.
Happy Birthday to Me!
-LumangTao
No comments:
Post a Comment